Kanjiru - Ms. Maldita Lyrics



Ms. Maldita Lyrics - Kanjiru

Verse 1:

Di maikakailang natarayan ako sa yo
Nung unang naging magkasama tayo.
Wala na lang nagawa damdamin ko,
Nang masilayan ang di maipintang mukha mo.

Pre-chorus:

Imbes na pasasalamat ang madinig ko
Lahat ng bulyaw mo puro reklamo,
Minsan isang araw gusto kong sumuko
Pero may biglang nagbago.

Chorus:

Hindi ko lang alam kung paano,
Pero nakita kitang ngumiti nang todo.
Sino kaya ang dahilan o ano,
Hinihiniling ko lang sana ako.

Verse 2:

May bago akong natutunan
Magsisikap akong gumawa ng paraan
Upang magawa ko man lang kahit na minsan
Ang mapangiti kita, aking natitipuhan.

Prechorus 2:

Ano na ba ulit ang mga "in" ngayon,
Maghahanap na'ko ng mga koleksyon
Ng mga makukulit at nakakatuwang biro
O 'di kaya ito na lamang ingles kong baku-bako.

Chorus:

Hindi ko lang alam kung paano,
Pero nakita kitang ngumiti nang todo.
Sino kaya ang dahilan o ano,
Hinihiniling ko lang sana ako.

Bridge:

Aminado akong hindi ko kayang gawin lahat
Lalo't sa kalakasan minsan ako'y salat,
Ngunit sisikapin kong maging masaya,
Ang babaeng nais kong mapaligaya.

Chorus:

Hindi ko lang alam kung paano,
Pero nakita kitang ngumiti nang todo.
Sino kaya ang dahilan o ano,
Hinihiniling ko lang sana ako.

Final Chorus:

Siguro mayroong malalim na rason
Kung bakit ganyan ang asta't asal mo
Ngunit sana nama'y pakinggan mo
Ms. Maldita ika'y mahal ko.