ALLMO$T - Miracle Nights Lyrics

Basta sa akin ka sumama na
'Di na 'ko maghahanap pa ng iba
Gabi-gabi tayo magsasaya
Sayang kasi 'pag nawala ka pa

'Wag mong pansinin ang mga tumitingin
Sa ating dalawa (ating dalawa)

Pinana na naman ni Kupido
Mukha na naman akong stupido

Pero ngayo'y 'di na malilito
Lalong-lalo na ikaw at ako'y
Nandito sa tabi ngayong gabi yeah
Magkatitigan ang ating mga labi
At para bang merong sinasabi

Nag-uusap ating mga katawan
Parang gusto nila maging kawatan
At nakawin ang kamay ng orasan
Iwanan, iwasan problema sa daan

'Pag mapungay mata mo
Lumalabas ang ganda mo
Pero anong akala mo
Hanggang dito lang ito

Basta sa akin ka sumama na
'Di na 'ko maghahanap pa ng iba
Gabi-gabi tayo magsasaya
Sayang kasi 'pag nawala ka pa

'Wag mong pansinin ang mga tumitingin
Sa ating dalawa (ating dalawa)

Ako nang bahala baby 'wag ka nang mag-alala
Isipin natin na parang tayo lang dalawa
'Wag mong tignan kung ano mang maging tingin nila
Tayo din naman ang magsasama 'di ba kumbaga
Wala na 'tong biro ikaw ang herong sumalo sa kada pagbaba ng negatibong
Naging dahilan ng matakpan mo ang mali ko
'Di ko palalampashin ang sandaling ikaw lang ay nandito sa 'kin
Talagang lumilitaw ang 'yong ganda
'Pag natapatan ng ilaw ay mas lalong nakakadala
Kumapit ka sa 'king kamay
'Di kita ibababa sumakay tayo papunta sa balewala kung ano man ang ginagawa
Simple pero napakamahirap na mahanap
Swerte na kapag natapat ka sa pinapangarap
Sulitin natin ng 'di na mawala pa ng maagap
Kung isang gabi lang din naman 'to pwedeng maganap ohh

Basta sa akin ka sumama na
'Di na 'ko maghahanap pa ng iba
Gabi-gabi tayo magsasaya
Sayang kasi 'pag nawala ka pa

'Wag mong pansinin ang mga tumitingin
Sa ating dalawa (ating dalawa)

Yuh!

Hayaan mo na sulitin natin ang
Mga sandali sa oras na hiram
Mahalaga sa 'kin ang bawat pagsasama
Hindi na kailangan pa na may ibang makaalam

Gusto ko 'yung tipong laging may asaran
Puro tawanan at ngiti mo lang kailangan
Ikaw lang ang pipiliin ko na makasama
Hanggang sa likod ng mundo na makasalanan

'Wag sana magmadali
Parehas lang natin na ayaw na magkamali
Pahintulutan mo naman ako na ikaw ay makatabi
'Di na kailangang mabahala 'di ko 'yan pagsasabi yeah

Yuh!

Wala na 'kong hiling pa
Kundi pagsaluhan ang gabi na 'tong bitin pa
Tayo lamang dalawa, sa 'kin tumingin ka
Dito ka lang sa 'king tabi
Ayokong umalis ka

Mabilis o mabagal halika dito sa 'kin babe 'wag ka nang umangal
Hindi naman ako magmimistulang sagabal
Ipapangako kong maganda ang aking asal
Gusto ka lang namang makatabi
Kahit pa na sandali, kahit pa anong gawin
Napakalakas ng dating mo
Sana nga'y gusto mo rin umaga hanggang gabihin
Ako lang at ikaw pa rin, ang galing no

Basta sa akin ka sumama na kahit na ano pa sa 'kin ang gawin mo
'Di na din ako maghahanap pa ng iba
Mga labi mo na lang lalaruin ko
Alam ko naman, 'di ka na rin bibitaw
Sa ating nasimulan, eto teka lang naman
'Wag kang mahiya
Dahan-dahang gumalaw, pakihinaan ang sigaw
Bagalan natin ang bitaw

ALLMO$T MUSIC!

Basta sa akin ka sumama na
'Di na 'ko maghahanap pa ng iba
Gabi-gabi tayo magsasaya
Sayang kasi 'pag nawala ka pa

'Wag mong pansinin ang mga tumitingin
Sa ating dalawa (ating dalawa)

Parang may mga bagay na pumipigil sa 'yo
Kitang-kita ko kahit nakatingin ako sa 'yo sa malayo

Pagbigyan ang katawan sa mga gustong maranasan
'Wag nang pag-isipan pa

Nandito lang kung sakaling you wanna be with somebody
Languyin daanan pauwi
Palalimin ang gabi

Ooh, alam mo bang sa isang ngiti mo
Ay naaalis lahat ng pagod ko
Ikaw ang nagsisilbing sandalan ko kapag ako'y nahihirapan
Kaya 'di na 'ko bibitaw
Kasi ikaw lang ang kailangan
Pinupuno mo ng kulay ang mundo kong madilim
Hindi ko na sasayangin ang pag-ibig mo
'Di ako maglilihim
Kasi pinatunayan mo sa akin na may pag-ibig
Kaya 'wag kang magtataka kung bakit mahigpit ang hawak ko

Basta sa akin ka sumama na
'Di na 'ko maghahanap pa ng iba
Gabi-gabi tayo magsasaya
Sayang kasi 'pag nawala ka pa

'Wag mong pansinin ang mga tumitingin
Sa ating dalawa (ating dalawa)

Basta sa akin ka sumama na
'Di na 'ko maghahanap pa ng iba
Gabi-gabi tayo magsasaya
Sayang kasi 'pag nawala ka pa

'Wag mong pansinin ang mga tumitingin
Sa ating dalawa (ating dalawa)

Related Posts

Post a Comment

Subscribe Our Newsletter